“Kung mahal mo Siya, ipakita ang respeto sa kapwa.”
Iyan lamang ang ilan sa aking natutunan sa pagtuklas ko sa buhay. Maraming kang nakakasalamuha at mga bagong kakilala, ilan man dito ay may mabuting intensyon at sa kabilang banda naman ay mga sakim at maruming pag uugali.
Isa nga sa mga sikat na libangan ngayon ay ang tinatawag na social media o ang pakikisalamuha sa iba pang mga tao gamit ang mga makabagong teknolohiya. Halimbawa na lamang nito ay ang mga social websites na Facebook, Yahoo, Twitter at kung anu anu pa. Marahil halos lahat sa atin ay kinagigiliwan ang paggamit nito. Ngunit alam mo ba na maaari mo ring ikapahamak o ikasama ng loob ang paggamit nito?
Karamihan sa atin ay nakakaranas ng mga tinatawag na Cyberbullying o ang paggamit ng Internet at mga kaugnay na teknolohiya upang makapinsala sa iba pang mga tao, sa isang sinadya, paulit-ulit, at pagalit na paraan. Bilang ito ay naging mas karaniwan sa lipunan, lalo na sa mga kabataan, batas at kamalayan ng mga kampanya ay may arisen pang labanan ito. Dalawa sa pangunahing dahilan kung bakit may naaapi ay dahil sa kanilang pisikal na anyo at social status. Nang-aapi ang isang tao dahil sa tingin nila ay hindi angkop sa lipunan ang kanilang inaapi, marahil dahil sa kanilang itsura, pagkilos, lahi, o relihiyon.
Dahil dito marami itong naidudulot na masamang epekto sa isang tao, ito ay ang mga:
· Pagkamahiyain sa kapwa
· Laging nasa isang sulok
· Ang iba naman ay hindi na makayanan ang pang-aapi sanhi ng kanilang pagpapakamatay
· Pagsunod sa lahat ng mga inuutos sa kanya maging ito man ay labag sa kanyang kalooban
· Sanhi ng matinding pagkatakot
“Para sa aking pananaw walang taong maaapi kung hindi ka magpapa api. Kaya’t simulan na nating ituwid an ating karapatan at iwaksi ang masasamang dulot ng pang-aapi, kilos na at magsalita ngayon.”